DDI: Ang Paglalakbay

Davao Digital Influencers (DDI) isang komunidad ng mga dagasangblogger, video blogger at microblogger na nakabase dito sa lungsod ng Davao. Naglalayon na maging una sa kanyang larangan, ang organisasyong ito ay nagsusulong sa responsableng pamamahayag.

Ano nga ba ang DDI at ano ba ang mga nagawa ng organisasyon na ito sa akin? Narito ang limang bagay na nais kong ibahagi sa sayo.

  1.  Isa. Isang beses palang ako nakasali sa sobrang isang daan oportunidad na ibinabahagi ng DDI sa lahat ng mga myembro nya. Nakaisa na ako kahit isang buwan pa lang ako sa organisasyon na ito. Ano nalang kaya yung mga myembro nya na bahagi ng unang taon nya. Malamang sumobra na sa isang libo yung mga likes ng post nila.
  2. Dalawa. Dalawang beses akong nag-apply pero sa pangalawang beses pa ako naging myembro. Hindi dahil sa hindi ako tinanggap kundi nasa ibang bansa pa ako nung una ako nag-apply kaya di ko na tinapos ang requirement. Pagdating ko sa Pinas, nag-apply ulit ako dahil malaki ang tiwala ko na ang organisasyon na ito ay makakatulong sa aking adhikain na makapamahagi ng magagandang karanasan sa mundo tulad ng pagbabyahe sa iba't ibang lugar at pagkain sa iba't ibang restorant.
  3. Tatlo. Ika-tatlong buwan ng taon na ito ako unang nag-apply. Subalit makalipas pa ng tatlong buwan ako naging opisyal na myembro dahil nga nasa labas pa ako ng bansa. Akoy natuwa nung ako ay maging opisyal na myembro dahil tatlong welcome comments agad ang natanggap ko kahit wala pa sa tatlong minuto ako inintroduce ni Miss Pal. Kahanga-hanga talaga ang pagtanggap nila sa akin. Parang pamilya. Hindi ko naramdan na ako ay iba.
  4. Apat. Apat na myembro ng DDI ang una kung nakasama sa unang event na sinalihan ko. Sila ay sina Marie, Gaelle, Cha at Xana. Ako ay lubos na nagagalak sa mainit nilang pagtanggap. Tinuruan nila agad ako ng tips at nakipagkwentuhan na para bang antagal na naming magkakilala. Sobrang saya nilang kasama. Andami kong natutunan sa munti naming usapan. Ako'y di na makapaghintay na makita ang iba ko pang sangay.
  5. Lima. Lima kaming nasa groupchat nung sa unang event na sinalihan ko. Limang nakakatuwang mga babae na pareho ang mga hilig. Lima palang kami dun subalit para bang pista kung makapagchikka. Paano nalang kung lahat ng higit sa limampung myembro ng DDI ang mgtitipon tipon ngayong unang anibersaryo? Nako sobrang saya siguro nyan. Ubusan ng laway sa kwentohan. Tiyak na sasakit ang tiyan sa tawanan.

 

 

Hala sige! Hanggang dito nalang muna ako sapagkat ihahanda ko pa ang sarili ko para sa unang anibersaryo ng organisasyon ito. Sabik na sabik na ako sa mga oportunidad na pwedeng maibahagi sa akin ng DDI. Tanging hiling ko lang na sana tulad ng ginawa ko na mula sa isa ay naging lima. Sana mula sa isang taon umabot pa sa mahigit limampung taon ang organisasyon na ito. Mula sa isang myembro ay umabot pa ng mahigit limang daan myembro ang organisasyong ito nang mga hilig at adhikain ng bawat isa ay maipahayag sa pamamagitan ng sulat at bidyo. Isang organisasyon para sa iba't ibang talento ng bawat isang Davaoeño, yang ang Davao Digital Influencers.

Ang DDI ay nais magpasalamat sa mga sumusunod na isponsor sa taos-puso nilang pagtulong para sa unang anibersaryo ng organisasyon:

  • Platinum: Smart Communications, Inc., AirAsia, FWD Life Philippines
  • Gold: PLDT Home
  • Silver: Jolly Canned Fruits and Vegetables
  • Bronze: Abreeza Ayala Mall
  • Benefactors: Lachi's Sans Rival Atbp., Cecil's Snack Inn & Restaurant, Seda Abreeza Hotel, Marco Polo Davao, Park Inn by Radisson Hotel Davao, M Magazine.

 

Advertisements

One thought on “DDI: Ang Paglalakbay

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s